Don't drink and drugs
Tila baga "open secret," o marahil pa nga, "common knowledge," ang pagsasabing marami sa mga drayber at pahinante ng mga rumaragasang trak ay tumitira ng droga lalo na ng shabu. Siyempre, eksaherado namang sabihin na lahat sila gumagamit nun. Pero dahil na rin sa ginagawa ng ilan, iniisip na ng maraming tao na ganun na ang sitwasyon para sa lahat. At hindi naman mahirap paniwalaan ang ganun. Kung gabi-gabi ka nga naman bumibiyahe ng kilo-kilometro dala-dala ang tone-toneladang kargada sa likod ng isang ten-wheeler, kailangan mo nga talagang magising nang magdamagan. At ano ba ang sure-fire na solusyon? "S" is for siguradong solusyon.
At may mga nakilala na nga akong ganun. Nakainuman ko pa nga ng Matador mga ilang buwan na ang nakalipas. Drayber ng trak. Biyaheng Bikol-Maynila yata. At aminado naman siyang ginagawa niya yun. At ganun din ang dahilan: para hindi makatulog. Medyo nasenglot ako sa inumang iyon kaya nakalimutan ko na ang mga detalye pero ang ganda ng pagkakalarawan niya sa bawat tira niya ng shabs.
Ang lalo pang masama, alam ng employer nila ang kalakaran. At ganito rin ang tingin ng karamihan: na mismong mga may-ari ng trucking o forwarding business ang nagpapatira...teka, pangit pakinggan...na mismong mga may-ari ng trucking o forwarding business ang nag-uutos sa kanilang mga drayber at pahinante na mag-shabu. Doble ang pang-aabuso. May pagsasamantala na nga pagdating sa pagpapasuweldo, meron pang pagsasamantala sa katawan ng drayber...teka, pangit ulit pakinggan. Sa huli, ang kawawang empleyado ang nagmumukhang masama sa tingin ng madla. Drayber = durugista.
Sa ganyang lagay, e...makapag-apply na nga bilang drayber.
(ipagpapatuloy)

4 Comments:
bakit di nalang sila mag-ionamine? di pa siya bawal. at pwede pa mabili sa suking botika.
tsanggala, mic. kahit kailan e bilib ako sa practical knowledge mo. ibili mo nga ako niyan. hehe.
hahaha natutunan ko yun isang kakilala ko na engineer. yun kasi ang ginagawa nila pagpuyatan nung college.
22 hours kang gising dun at yung 2 hours na tulog mo parang 8 hours. yun nga lang pagbawi mo sa tulog 16 hours tapos palpitate pa puso mo...parang yung naranasan ng isang kaibigan natin na di ko na sasabihin kung sino. hehe
parang kilala ko yun, a. hehe.
...
...teka, hindi ba ako 'to?
Post a Comment
<< Home