Kalakaran sa Lakaran
Isa na namang mahusay na artikulo ang naisulat ni Conrado de Quiros para sa Philippine Daily Inquirer kamakailan.
Aniya, samantalang nagkukumahog sa paglalakad ang mga tao sa New York, London, at Paris upang pumunta sa isang lugar (kahit sa pagpasok sa trabaho), dito sa Maynila, kahit ang maiigsing distansya ay nangangailangan pa ng pagsakay sa traysikel. Kung dito sa Pilipinas, kailangan pang magkotse ang mga pamilya para pumunta sa simbihang nasa loob naman ng kanilang subdivision, sa ibang "mayayamang" bansa, ginagamit ang kotse kapag talagang malayo ang biyahe.
Isang balintuna na habang "ipinagmamalaki" nating mga Pilipino ang ating "not-so-fast-paced" life dito sa Pilipinas kumpara sa buhay sa New York o sa Europa, e wala naman tayong kultura ng paglalakad dito sa Maynila. Tila baga, naiwan sa probinsya ang kasanayan sa paglalakad pagtuntong sa kalunsuran. Gayundin, nakamamanghang sa mga fast-paced na lipunan nagkakaroon ng kultura ng paglalakad. Yaon pang mga industriyalisado at mayayaman ang nangingilin pagdating sa paggamit ng sasakyan. Pero siyempre, mayroon ding pagkakaiba ang paglalakad sa New York sa paglalakad sa probinsya. At dagdag pa riyan, nakamamatay naman talaga ang hangin ng Metro Manila kung susubukin mong maglakad araw-araw.
Ngayon, ang tanong: bakit may pakakaiba sa hangin ng New York at dito sa Metro Manila? Bukod sa elemento ng klima (At totoo namang mas malamig sa New York kaysa sa Maynila, pero gaya nga ng mungkahi ni de Quiros, kung kayang bakuran ni BF ang Kamaynilaan, malamang e may kakayahan din siyang magpatayo ng covered walks.), malaking bahagi ng pagkakaiba ang usok dulot ng napakaraming kotse. At sa aspetong ito, hindi nakapagtataka kung bakit malala ang trapik sa Maynila. Kung hindi natin sisimulang maglakad ngayon, patuloy na iikot ang mga salik na ito at lalo tayong mababaon sa isang kulturang de-kotse at de-aircon.

1 Comments:
pwede ko bang sabihing napakalayo naman kasi talaga ng klima ng pilipinas at ng malalamig na lugar sa amerika?
pero kung nasa las vegas ka, marami rin dun ang mas pinipiling mag-taxi kasi mala-disyerto (e disyerto naman talaga yun) talaga sa init. biruin mo, ilang araw lang ako dun, nagkasugat-sugat na ang balat ko!
and yes, oa rin ang polusyon dito. maglakad ka lang nga sa katipunan, amoy usok na ang buhok mo.
at puwede ring may mga taong tamad lang talagang maglakad. parang kayo ni aaron kagabi. anlapit lang ng xavier sa gate 5 (nga ba?) no! HAHAHAHA!
Post a Comment
<< Home