Saturday, August 27, 2005

wats up wid dat?

Ano'ng pakulo at nagbebenta ng putol na tiket sa MRT? Matagal-tagal na 'kong 'di nakasakay ng MRT kaya naman nawindang ako nang makatanggap ako ng putol na tiket pagkabayad sa counter. May espesyal na pila pa pala para doon sa mga "mapalad" na pasahero.

Bahagi ba ito ng "energy-saving" program ng Malacanang? Mas okey sana kung yung mukha ni Gloria sa tiket ang naputol. Kahit papaano, mawawala ang suya mo, pagkatanggap ng isang putol na tiket.

Speaking of "energy-saving products," ano bang problema ng Malacanang, at pilit pinagtitipid ang mga utaw? Nagsasayang lang ang palasyo ng panahon; matagal na pong naghihigpit ng sinturon ang sambayanang Pilipino. At iyon ay kung may pambili man sila ng sinturon.

At bakit ngayon lang nila naisip magbawas ng mga SUVs? Hello? Kahit walang krisis sa langis, isang lantarang pagwawaldas sa kaban ng bayan ang paggamit ng SUVs bilang opisyal na hatid-sundo ng mga hinayupak na opisyales ng gobyerno! Dyusko, ano bang sense niyan in da first place? Nasa tuktok ba ng isang matarik at mabatong burol ang mga opisina, tulad ng Malacanang? Siguro nga, oo. At ang pangalan ng burol ay Golgotha.