Monday, September 19, 2005

Napansin ko lang...

...merong something in common ang intersection points ng railway systems dito sa Maynila: Cubao (intersection ng LRT2 at MRT), Recto (intersection ng LRT1 at LRT2), at Pasay-Rotonda (intersection ng LRT1 at MRT). Hindi, hindi y'ung trapik na laging meron sa tatlong lugar na ito. Something in common ang trapik sa lahat ng lugar sa Maynila.

Napansin ko lang, merong branch ng Sogo (mura na, malinis pa) sa tatlong lugar na ito. IN FACT, sa Cubao at Recto, tig-dalawang braches pa ang meron. Sa Cubao, isa along Aurora at isa sa EDSA. Sa Recto, isa sa Cartimar at isa yata sa Quezon Blvd. Hindi lang Sogo ang meron pero nagkalat ang mga mot-mot (oo, motel nga) sa tatlong lugar na ito. Kapansin-pansin lang ang Sogo dahil sa kulay at tayog ng gusali nito. Kung hindi mo iyon napapansin...leche! Malala na ang katarata mo.

Actually, kapag isinama pa natin ang y'ung intersection ng PNR (y'ung bulok na tren na may bulok na riles) at ng LRT2 diyan sa may Sta.Mesa-Pureza area (well, hindi naman talaga intersection tulad ng tatlong halimbawa kanina. Intersection dahil nagkrus ang dalawang, er, riles.)...ayun, pinamugaran din ng mot-mot ang lugar. Wala nga lang Sogo, pero kilala ang lugar sa mga "biglang liko" nito.

Ibig sabihin ba nito, magkakaroon na rin ng railway system na dadaan sa Pasig? Wala lang, napansin ko lang.