Mahal kita
Hindi. Hindi ito isang post tungkol sa pagsinta para sa kung sinuman. Malayo. Sinlayo ng bahay namin dito sa Commonwealth kung galing ka ng Pasay Rotonda.
Pauwi na ako noon galing sa Cavite. Dumaan ako sa Aguinaldo Highway, tapos Coastal, tapos EDSA. Pagdating ko sa Pasay Rotonda, napansin ko sa bandang kanan ang isang malaking karatula. "Mahal Kita." E dahil sa kilala na ang bahaging iyon ng Metro Manila para sa mga alam ninyo na..., tiningnan ko nang maigi kung anong meron doon sa karatulang iyon. At walang panahon. Sabi ko na nga ba, e. Sa ilalim ng mga katagang "MahalKita," nakasulat naman ang "Drive-In and Restaurant."
Kamusta naman iyon?
Isipin mo yun, o. Kung kunwari magkasama ang isang lalaki at babae sa isang kotse. At sa nakasanayang set-up, lalaki ang may hawak ng manibela. At habang binabagtas ng sasakyan ang Pasay Rotonda, sa kanyang pinakasuwabeng paraan ay biglang sasabihin ng lalaki sa babae na, "Mahal kita." Tapos, magugulantang naman si babae. Tapos, mas magugulantang si babae kapag nakita niyang biglang-liko ang sasakyan papasok sa Mahal Kita Drive-in and Restaurant. Tapos, tapos kang bata ka.