Weird. Mas Weird.
Kagabi lang ito. Katatapos lang ng klase ko sa masters sa Ateneo. Papunta ako sa kabilang "side" ng Katipunan para mag-unwind (choz). Alas-8 ng gabi. Habang nasa sasakyan, nasilip ko ang isang billboard na nakakabit sa overpass katapat ng Miriam. Billboard y'un ng McDo. At sa pagkalaki-laki at pagkaliwa-liwanag ng billboard na iyon na nagtatanghal ng pagkain, may napansin akong nakasulat - gamit ang pulang spray paint - sa billboard na sigurado akong hindi talaga parte n'un.
"Bawal Ito."
Ang laki ng mga titik. All caps. Bold. At pula ang kulay. (Pero mind you, tuldok ang ginamit at hindi tandang padamdam.) Nakapatong ang dadalawang salitang iyon sa mga picture ng pagkain na para bang marka ng isang higanteng sampal. Pero hindi lang iyan. Pag-u-turn ng sasakyan, may ganun ding billboard - parehong kumpanya, produkto, at patalastas - na nakasabit sa kabilang side ng naturang overpass. At hayun, naroon din ang namumulang at nagngingitngit na kataga. Halos pareho ang hitsura sa nauna kong nakita.
Weird.
Pagkatapos mag-unwind (choz) sa Katipunan, at nang naisipan ko nang umuwi, dumaan ulit ako sa overpass na iyon. Alas-11 na ng gabi. Sinilip ko ang mga na-vandalize na billboard, pero ayun. Wala na sila. Sa loob ng 3 oras, naiwan na lamang ang bakanteng kalansay na bakal at mga bakas ng binaklas na billboards.
Mas weird.