Kalyo
Ganun pala 'yun. Naiipon, kumakapal, nagiging bahagi ng iyong katawan ang marka ng milya-milyang paglalakbay. Kumbaga sa kotse, eto ang odometer mo - nagsasabi kung gaano na kahaba ang biyahe mo. Paalam sa inyo, mga kalyo ko sa paa.
Ang mga kalyo natin ang bakas ng libu-libong kalyeng ating tinahak. Subalit minsan, kailangan nating bitiwan ang ilang alaala upang magbigay-daan sa mga susunod pang karansan, sa mga susunod pang paglalakbay. Magkagayunman, alam kong babalik ka rin, aking mga kalyo. Hanggang sa susunod na paglaboy.
(Mga tala ko matapos ang isang masarap na foot scrub noong ika-28 ng Abril. Salamat, mahal.)