Sunday, May 27, 2007

Basang-Basa sa Ulan

Lahat yata nang magkasintahang natuloy sa kasalan e merong walking-in-the-rain-at-holding-hands-pa-rin kuwento (In the same way, na halos lahat rin ay may kuwento ng kanilang date sa Luneta.). Bakit ba ganun? Itanong mo sa nanay o tatay mo, pihadong meron silang kuwento na naglalakad sila sa ulan at basang-basa na romantic chenellyn.

Kailan kaya darating ang sa amin? Hello rainy months!

Sunday, May 13, 2007

A Place is Lovelier the Second Time Around

Sabi ng mahal ko, alam na raw niya ang isusulat ko sa aking susunod na post rito. Well, ano pa nga ba ang masasabi ko? Kilala na niya talaga ako.

Magkasama kaming pumunta sa Thailand nitong nakaraang linggo. Masarap ulit-ulitin ang magaganda mong karanasan sa isang lugar kasama ng iyong pinakamamahal. Daming pinuntahan. Daming nilakad. (Dami ring pinamili.) At sa pagkakataong iyon, wala akong kasamang Thai na maaaring sumama sa mga lakad namin. Kami lang (kasama ng kanyang kapatid at ng asawa nito) ang bahalang makipag-usap sa mga tao roon na merong ibang wika at ibang alpabeto. Mahirap-hirap rin pala iyon.

Pero in fairness, kahit papaano nakaraos rin naman. Lalo na sa pamimili. Buti na lang at kabisado ko pa rin ang pagbibilang sa Thai kahit papaano meron akong "point of intersection" sa mga tao roon. Hehe.

Malaki na rin ang ipinagbago ng lugar lalo na ang Bangkok. May bagong airport (malaki at malamig), may mga bagong kalsada, may bagong Prime Minister kapalit ng tiwaling lider. Malayo na yata ang lamang sa Pilipinas. Pero dalawang taon pa lang naman mula nang una akong pumunta roon. Kahit paano, natatandaan ko pa rin ang mga lugar na kinagiliwan ko dati: Khao San Road, Siam Square, at siyempre ang Chatuchak. Naaalala ko pa rin ang Patpong pero di ko na sinama sa listahan dahil hindi ko naman yun kinagiliwan. Isa pa, sa dami nang ipinagbago ng Bangkok, tila nanatili pa rin sa kalulunus-lunos nitong estado ang Patpong. Ganun pa rin ang eksena. Ganun pa rin ang palabas. Ganun pa rin ang sistema (Sa ganung lagay, hindi pa rin sila nalalayo sa Pilipinas.). Hindi na yata matitibag ang pinag-uugatang problema ng kababaihan doon. Sana naman hindi.

Maraming nagbago. May mga ilan ding nanatili. Nananalaytay pa rin ang dating pamilyar na amoy ng lugar pero as they say, love is lovelier the second time around. Mahal ko na yata ang lugar na iyon.