Tuesday, June 26, 2007

Alessandra de Rossi greeted me Happy Birthday and the sexiest and most beautiful woman in the world threw a surprise party for me!




Troy, ninakaw ko na yung pic mo, ha. Hehe. Pael, maraming salamat rin.

Mahal na mahal kita, mahal. Maraming salamat.

Sunday, June 17, 2007

Aking Na-Realize...

...matapos puntahan sa loob ng isang araw ang SM North Edsa at ang SM sa pinaka-south (Mall of Asia) na:

1. marami (o baka karamihan pa nga) sa mga drayber at konduktor ay SM West ang normal na tawag sa SM North Edsa. Pero sa mga karatula naman ng mga dyip na galing UP at Lagro, Sm North ang nakalagay. Haay, ewan.

2. ang mga "ktv bars" sa may bandang roxas blvd., kadalasan, international ang tema. yung iba, kunwari'y nag-ca-cater sa isang specific nationality (ex. korean, japanese, lebanese, nepalese, mga taga-burkina fasso, at iba pa.). obviously, para ma-attract ang mga dayuhang bagong dating (at kalalapag pa lang mula sa airport) sa ating "exotic specialties." pero pagdating naman sa mga "ktv bars" sa bandang quezon ave., "collegiate at academic" ang tema. mga klasmeyt, mga tipong bagong gradweyt, mga tipong ganun ang sine-serve nila. ito yata ang fetish ng ating mga pulitikong grumadweyt sa pinakamatitinong pamantasang matatagpuan din sa kyusi. (Hoy! Magpapakababoy na lang kayo, wag ninyo namang iharang ang mga Expedition at Pajero ninyong naka-plakang "8." marami ring nag-iintay na ibang costumer.)

3. at huli, sobrang dami na palang SM sa mundo. wala lang.

Monday, June 11, 2007

Kotse

Kahit kailan, di ako nahilig sa kotse. Or should I say, hindi ako naging fan ng mga kotse. Ah, basta. Gets mo na yun, kung sino ka mang nagbabasa ka. Hindi ako enthusiastic kapag nakakakita ng mga astig na model (pota, di nga ako marunong kumilala ng model, e), at lalong wala akong alam sa F1 racing, at lalong lalong ayoko sa mga lalakeng ga-karayom na lang e sasayad na sa aspalto ang kaha ng kanilang kotse na tumutugtog naman ng bumubulyaw na tugz-tugz na music. Ewan. Kaya minsan, pakiramdam ko e binabae ako dahil karamihan sa mga lalake, hilig nila ang wheels and they always feel the need for speed. At ako ay hinde.

Siguro dahil nung bata pa ako, puro libro ang inireregalo sa akin ng tatay ko at di mga kotse-kotsehan. Ewan ko. Siguro dahil maaga pa lang e kinukuwestiyon ko na yung rationality ng masculinity as a concept at ang pag-e-extend nito ng lalaki sa kanyang kotse. Ewan ko. Siguro dahil bakla lang talaga ako.

Pero kung merong may magreregalo sa akin ng kotse, potcha, brrriiiing it on! Kahit downpayment lang ang sagot mo, sa akin na ang monthly installments.

Nangagarap nang gising.