Sunday, July 29, 2007

"Limos"

"Excuse me po! I'm Jonito, an out-of-school youth selling special macapuno/pastillas for only Php12 each/2 for Php20 as your support for my daily financial needs. Thank you for your generosity. 'It's better to sell than to steal.' Bili na kayo plisss..."

Ito ang nakasulat sa kapirasong papel na inabot sa akin ng isang batang lalaki habang naghihintay sa Cubao ang bus na sinasakyan ko pauwi. May mga sampung pirasong papel ang bata (na sa tingin ko e pare-pareho ang nakasulat sa mga iyon), at inabutan niya ang ilang piling pasahero ng bus hanggang sa maubos ang hawak niyang papel. Nang mabasa ko ang nakasulat, hinanap ko ang nagpakilalang Jonito. Nandun siya sa may bandang likuran ng bus, para bang naghihintay ng tamang tiyempo kung kailan niya kokolektahin ang mga dapat kolektahin. Napatingin ako ulit sa papel, at nagpaikot-ikot ang nabo-bored kong utak sa nilagay niyang quote:

"It's better to sell than to steal" --> potchanggala! Kaninong propeta o pulitiko niya hinugot ang mga katagang iyon. (Take note, alam kong quote iyon dahil naka-quotation marks.) Eniwey...nawindang lang ako sa kanyang note.

Dahil sa mga salitang iyon, napaisip ako. Habang tumatagal yata, e lalong dumadami ang pamamaraan para mamalimos. Hindi ka lang basta-basta bebentahan ng dried mangoes at pastillas. Sasamahan pa ng note na kesyo para sa pag-aaral nila at kung anu-anong mga chuva. Nandiyan rin ang walang kamatayang "shoe shine" boys na magdadala ng basahan sa loob ng jeep, luluhod sa paanan ng mga pasahero, at ihihilamos ang basahan sa paa ng lahat, sapatos o tsinelas man ang suot-suot mo.

Hindi ito para kutyain ang mga taong gumagawa nito. Kung tutuusin nga, tila lumalabas na nagkakaroon na ng boses ang mga taong nasa bingit na ng pagkapit sa patalim. Hindi sila papayag na tawagin silang pulubi o namamalimos, at hindi rin sila papasok sa pagnanakaw o panghoholdap. Sila ay nagbebenta, nagtatrabaho, gumagawa ng kapaki-pakinabang na bagay tulad ng karaniwang tao na naghahanap-buhay upang kumita ng pera. Hindi sila parasitikong hindi marunong magbanat ng buto.

Mabuti na nga naman iyan kaysa sa magnakaw ka at palabasin mong ang ginagawa mo ay pangongolekta ng buwis for the national interest.

Sunday, July 15, 2007

Overpass Passover

Ang Commonwealth ang pinakamalapad na kalsada sa buong Pinas, at siguro ito rin ang kalyeng may pinakamaraming overpass. Mas marami pa siguro sa EDSA kung hindi mo bibilangin ang mga istasyon ng MRT na ginagawa ring tawiran. Sa kasalukuyan, lalo pang pinalalapad ang Commonwealth, at lalo pang nadaragdagan ng mga overpass. Kung madadaan kayo sa may bandang Central (yung doon sa pinakamalaking templo ng INC), makikita ninyo ang construction na nagaganap doon. At tulad rin ng mga nagdaang road-widening projects, pihadong titibagin ang konkretong overpass na nagtatawid ng mga tao mula central papuntang UP, at vice-versa. Malamang sa malamang, papalitan ito ng mga bakal na overpass ng MMDA.

Sobrang ayaw ko sa mga pink na MMDA overpass. Bukod sa pangit sila tingnan at wala pang bubong, walang ka-latoy-latoy ang mga tawirang ito kung ihahambing sa mga konkretong overpass na tinitibag nila. For some certain reason e naaaliw ako sa mga komunidad na nabubuo sa isang overpass. May mga nagtitinda, may mga namamalimos, may mga tumatambay, bukod pa sa mga taong tumatawid lang.

E yun nga daw ang rationale ng MMDA kung bakit walang bubong ang mga overpass nila. Para di raw gawing tindahan at tambayan, at nang sa gayon, hindi maging pugad ng mga mandurukot at holdaper. Ganun ba talaga yun?

Sa totoo lang, tuwing umuuwi ako nang gabi, mas kumportable akong dumaan sa overpass na maraming tao. Di ba? Makes sense naman, di ba? Kaysa naman tumawid ka sa isang overpass na walang ilaw at walang ibang tao, go na ako doon sa may mga nagtitinda, namamalimos, at may mga nakatambay. Di naman siguro holdaper lahat ng trentang taong nabubuhay sa komunidad ng isang overpass.

Wala lang. Wag naman sanang mapalitan ang mga may-buhay na overpass lalo na sa philcoa at luzon. Lampasan naman sana sila ng delubyong ito.

Monday, July 09, 2007

When Bonifacio Became Burgis

Last week, like you know, my girlfriend and I went to Serendra and Bonifacio High Street. It was the coolest thing, evah. Strolling around and looking at all the fancy restaurants and high-end boutiques. It was like, uh, we were totally teleported to some first world country. The place is still new, eh, and so it wasn't really plagued with jologs people who are already invading places like Greenbelt, so it was kinda peaceful. And obviously, they wouldn't be there cuz they couldn't like afford the prices. They would be mamumulubi even with the parking (as if they had cars, you know). If ever they would be there, I'm dead sure they already made kain in Market Market (gosh, so palengkera the people in there) and they're just walking in Serendra and Bonifacio High Street because they want to feel mayaman, too, you know. And uh, it was really annoying to find out that there are jeepneys plying the area. Ohmygod! I can't imagine the place being accessible to the khruniwung (karaniwang)tao...

Ay, potcha. Tama na. Di ko na kayang magpanggap. Mga jologs! Sakupin natin ang Serendra at Bonifacio High Street! Iwagayway ang bandila ng Tondo sa lugar na umaangkin sa pangalan ng ating bayani!

Eniwey...sarap magpaka-burgis sa mga lugar na ito. Lalo na sa Fully Booked. Tae. Paraiso sa limang palapag ng purong pagbabasa. Pakshet.