Bata pa lang ako, sanay na ako sa pagco-
commute. Nagkaroon lang kasi kami ng kotse noong trese anyos na ako kaya naman hindi kaso sa akin ang magtaksi, magbus, o magdyip. Hanggang ngayon, mas ok pa rin sa akin ang mag-commute kaysa magdala ng kotse...pero ibang usapan ang nagdaang dalawang linggo.
Anak ng teteng. Makakasanayan ko na yata ang lahat ng hirap sa mundo pero hinding-hindi ako masasanay na mag-
commute habang humahambalos ang malakas na ulan sa kapaligiran.
Unang-una, mababasa ka sa paglalakad. Sobrang hasel na nga ang maglakad habang nakapayong, na useless naman talaga dahil
from all directions ang pambabasa ng kalangitan sa porma mong pang-opisina na pinagtiyagaan mong plantsahin nang pulido kagabi. Para bang araw-araw e piyesta ng San Juan. Ipagdarasal mong sana ipinaglihi ka na lang sa dahon ng gabi para hindi ka nababasa. Pag masuwerte ka pa at bumabaha-baha pa, papasukin ng tubig ang sapatos mong bagong lagay lang ng dyobos. Hmm...ang sarap. May shplok-shplok na
feeling beneath your toes habang nilalakad mo ang kahabaan papunta sa antayan ng masasakyan. At siyempre, pagdating mo doon, okey sa olrayt din ang hintayan. Parang kasama mo yata ang lahat ng ka-barangay mo habang nagsisiksikan kayo sa isang masikip na
waiting shed o di kaya, sa makipot na silong ng isang
overpass, habang tila naghihintay ng grasya mula sa langit. At sa mga pagkakataong dinaranas mo ang impyernong ito, talagan namang pahirapan ang pagbagsak ng grasya - ang grasya ng pagdating ng kahit isang masasakyang dyip o bus. Haay...Saka ka mapapaisip, sana nagdala ako ng kotse/may kotse ako...
...haay...Pero talagang langit naman kapag nakasakay ka na. Kahit na alam mong mas mabaho pa sa hininga ng aso ng kapitbahay mo ang mga paa mo dahil kanina pa iyon nakabalot ng medyas na nagmistulang diaper ng baby na pinainom ng galong-galong gatas
a few hours ago. Iyon nga lang, lalagapak ka pabalik sa impyerno kapag dumating ka na sa opisina mo at biglang nag-
sink in sa iyo na titser ka pala sa hayskul at idineklara nang walang pasok kani-kanila lang. Tae. Sarap mambato ng tae.
Moral lesson: mag-ipon ng pera para may pambili ng
alarm clock na ipanreregalo sa mga opisyal ng DepEd ngayong darating na pasko. Alam kong masarap matulog kapag malamig ang panahon dahil sa ulan pero peste, magtext lang naman sana kayo sa mga tao sa radyo at TV para sabihing walang pasok!!!! Saka kayo bumalik sa pagtulog.