Tuesday, September 04, 2007

Ang Nawawalang U-Turn

Anak ng...nasaan na ang U-turn???

Iyan malamang ang masasambit mo kung galing ka sa Quezon City at nagmamaneho ka papuntang Eastwood. Matapos ang ilang taong pagkasanay mo sa U-turn slot sa tapat ng Shopwise para makaikot papunta sa kabilang panig ng Libis, ang sorpresang sasambulat sa iyo ay di masyadong kaaya-aya. At bakit 'ka mo? Dahil ang susunod na U-turn slot ay nandun pa.Doon. Doon sa malayo. Sa ilalim na ng flyover, malapit na sa intersection ng Ortigas at C5. Kamusta naman ang malayong travel para umikot pabalik?

Ano na naman kaya ang pumasok sa utak ni Bayani at nagawa niya ang bagay na iyon? Kung ang aking mahal ang siyang tatanungin, ito marahil ang sagot: para bumigay ang Citibank.

E, di ba, may nakaplanong overpass na dapat gagawin sa tabi ng Citibank para sa mga pedestrians na tumatawid from Libis to Eastwood. Pero di iyon matuloy-tuloy dahil sa pagmamatigas ng Citibank. Sa isip siguro ni BF, 'tado 'tong mga corporate elitist capitalist sonovabitches na mga ito, a! Tingnan natin kung sino ang matigas! O, e di ayan. Kung magmamatigas ang Citibank, tingnan natin ang tigas nila kung palayuin natin ang u-turn papasok sa kanilang opisina. Haha. Matira'ng matibay.

Pero siyempre, eto ay pawang mga haka-haka lamang...na sa tingin ko ay siyang totoo. Hehe. Kapani-paniwala naman, di ba dibs? But as of the moment, kailangan lang mabuwiset ang mga galing ng QC na pupuntang Eastwood habang hinahanap ang nawawalang U-turn.