Sunday, October 28, 2007

yosi

Wala yatang tao sa faculty ang naniniwala na hindi ako nagyoyosi. Kahit ilang beses kong i-deny na hindi nga ako nagyoyosi, wala pa ring naniniwala. Now, what's that supposed to mean? I have nothing against smokers pero...ah, basta.

E, kung sakyan ko na lang kaya? Papaniwalain ko rin sila na isa akong chain smoker at natuto akong magyosi noong grade 6 pa lang ako. Na durugista rin ako at nasubukan ko na ang lahat ng tipo, mula shabu hanggang cough syrup. Na actually, bago ako naging teacher e na-rehab at nakulong na ako at muntik na akong makapatay ng tao dahil ayaw niyang maniwala sa mga sinasabi ko. Tapos heto ako ngayon, nagtuturo sa isang elite all-girls Catholic high school.

Oh, well. Kung ayaw maniwala, e di wag. Ano naman ang mapapala ko?

Thursday, October 25, 2007

forward

Magbabahagi lang ng isang forwarded text message na nakuha ko mula sa kagalang-galang na si Jonar Sabilano:

"Tandaan mo anak, ang batang sinungaling ay di na tatangkad, uusli ang ngipin, liliit ang binti at tutubuan ng nunal sa mukha."
- Diosdado Macapagal

ponyeta ka, bumaba ka na.

Monday, October 15, 2007

taeng buhay 'to

tae talaga. tapos na dapat ang 1st sem, but no!!! isa pang 20-page paper, isang final exam na take-home, at isang long overdue na reflection paper. all of this after squeezing all my brain cells para lang sabihin na pakshet at panira ng buhay ng mga magsasaka ang buwakananginang General Agreement on Tariff and Trade - Uruguay Round Agreement on Agriculture sa isang walang sense at puro bola na 20 page paper. anak ng tinapa! gusto ko na ng sembreak!!!!!!!!!! gradweyt na ako but still...the same college problems. saang kamay ng diyos ko kukunin ang isa na namang 20-page paper????

ah, basta...incomplete. puwede na iyan.

can't wait for thesis year next year.pakshet.