Friday, November 16, 2007

Kung sasakay ka ng LRT2...

...tumingin ka sa bandang kisame ng loob ng tren. May mga nakapaskil roon na iba't ibang tula, at mga ilang linya mula sa mga dulang kilala sa panitikang Espanyol. Nakasulat ang mga ito sa wikang Espanyol pero wag ka...bawat taludtod ay meron ding katabing salin sa wikang Pinoy. O di ba, hanepz? Habang nakatunganga ka sa loob ng tren, puwede kang mag-aral ng wikang Kastilaloy.

Berso sa Metro ang pangalan ng proyektong ito. Pakana ng Instituto Cervantes at ilan pang mga alipores. Sa totoo lang, naaliw ako sa ginawa nila. Nagmukha nga akong tanga kasi nakatingala ako sa kisame ng tren habang pabulong kong binibigkas ang mga salitang Espanyol. Pero ayos na yon. Sana gawin din iyan sa MRT, sa bus, sa dyip, pati na rin sa traysikel.