bagong taon
isa sa mga "malalalim" (o pa-deep) na kaugnayan ng pagkain sa buhay ng tao ay ang pagdikta nito sa tinatawag nating oras o panahon. bago pa man nalaman ng tao na ang isang taon ay katumbas ng isang buong pag-ikot ng mundo sa araw (o isang revolution), may konsepto na ang tao ng "isang taon." kahit pa noong mga panahong akala natin na lahat ng heavenly bodies e umiikot sa planeta natin. paano? dahil sa pagkain! dahil nakita ng mga ninuno nating magsasaka na mayroong pattern ang panahon, mayroong pattern ang lupa, mayroong pattern ang pagtubo ng mga halaman, at mayroong pattern ang paggalaw ng mga hayop, at ang lahat ng pattern na ito ay konektado. ang kanilang pagtatanim ay ginagabayan ng oras, at upang makapagtanim nang maayos, kailangang maunawaan ng magsasaka ang takbo ng oras na ito. o di ba? sa ganyang klaseng siyensya nabuo ang konsepto ng taon. parang ang layo nito sa ating konsepto ng calendar year. at sa napakaraming klase ng year. school year, fiscal year, lunar year, at kung anu-ano pa.
bakit ko ba sinulat ito? ewan. siguro dahil masarap kumain sa pagpasok ng bagong taon. basta, happy new year! at nawa'y isang masaganang taon ng pagsasaka at pakikibaka para sa ating mga kapatid na pesante!
bakit ko ba sinulat ito? ewan. siguro dahil masarap kumain sa pagpasok ng bagong taon. basta, happy new year! at nawa'y isang masaganang taon ng pagsasaka at pakikibaka para sa ating mga kapatid na pesante!
